Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN sa isyu ng COVID-19, idaraos

(GMT+08:00) 2020-02-17 17:13:42       CRI2020-02-17 17:13:43

Ipinahayag Pebrero 17,2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, napupunta si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Vientiane ng Laos, mula Ika-19 hanggang Ika-21 ng buwang ito, para lumahok saPulong ng mga MinistrongPanlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)saisyu ng Corona Virus Disease – 2019 (COVID-19).

Layon ng pulong na pasulungin ang magkasamang pagharap ng dalawang panig sa epidemiya ng COVID-19, pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mgamamamayan ng rehiyong ito, at ibigayan ng ambag para sa usapin ng pampublikong kalusugan ng buong daigdig.

Ayon pa saulat, magkasamang mangungulo sina Wang Yi at Teodoro Lopez Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Sa pulong, nakatakdang ibahagi ni Wang ang malakas na hakbangin na isinasagawa ng Tsina para pigilan ang epidemiya, at makipagpalitan sa mga ministrong panlabas ng ASEAN hinggil sa magkakasamang paglaban sa naturang virus.

Kaugnay nito, inilabas,Pebrero 15,2020, ng ASEAN ang pahayag na sumusuporta sa pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya.

Binigyan-diin din nito ang pagpapanatili sa patakaran ng pagbubukas ng kabuhayan.

Bukol dito, ipinahayag ni Geng na ito ay nagpapakita ng tradisyon ng Tsina at ASEAN sa pagtutulungan sa harap ng kahirapan.

Bukod dito,sa paanyaya ni Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, magkakasamang mangungulo sina Wangyi at Saleumxaysa Ika-5 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation.

Opisyal dingbibisitasi Wang sa Laos.

Ipinahayag pa ni Geng na mabisa ang bunga ng Lancang-Mekong Cooperation, at lubos itong pinahahalagahan ng Tsina.

Inaasahan ng Tsina na sa pamamagitan ng pulong, buong lakas na susulong ang pag-unlad ng kabuhayanng Lancang-Mekong, aniya pa.

Salin:Sarah