Biyetnam: suportado ang Tsina sa paglaban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-02-17 13:23:47       CRI2020-02-17 13:23:48

Ipinahayag Pebrero 15, 2020, ng Biyetnam, Tagapangulong Bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na suportado nito ang pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ng Novel Corona Virus Disease 2019 (COVIID-19).

Binigyan-diin nito na dapat magkaisa ang iba't ibang bansa ng ASEAN para labanan ang COVID-19.

Sinabi pa nitong nakikipagkooperasyon ang ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea hinggil sa paglaban sa epidemiya.

Dapat magkakasamang aktibong harapin ng mga bansang ASEAN ang epidemiya, at lalo pang palakasin ang pakikipagkoopeasyon sa komunidad ng daigdig, diin ng Biyetnam.

Salin:Sarah