Tsina: may karapatan ang Pilipinas na isagawa ang nagsasariling patakarang diplomatiko

(GMT+08:00) 2020-02-18 16:25:26       CRI2020-02-18 16:25:27

Kaugnay ng pagpapawalang-bisa ng Pilipinas ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika, sinabi ngayong araw, Martes, ika-18 ng Pebrero 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may karapatan ang anumang bansa, na isagawa ang nagsasariling patakarang diplomatiko batay sa sariling mga interes. Ang pagpapalagayan at pagtutulungan ng mga bansa ay dapat maging mabuti hindi lamang sa mga bansang ito mismo, kundi rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig, dagdag niya.

Pagdating naman sa epekto sa kalagayan ng South China Sea na dulot ng naturang desisyon ng Pilipinas, tinukoy ni Geng, na sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations, matatag ang kalagayan sa karagatang ito. Nakahanda aniya ang Tsina, na patuloy na magsikap, kasama ng mga may kinalamang rehiyon at bansa, para mapanatili ang katatagan sa South China Sea.

Salin: Liu Kai