Amerika, binabalak na hadlangan ang pagkakaloob ng GE ng makina sa C919 plane; panig Tsino: maging makatwiran sa normal na kooperasyon

(GMT+08:00) 2020-02-18 16:36:33       CRI2020-02-18 16:36:34

Sinabi Martes, Pebrero 18, 2020 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na obdyektibo't makatarungang pakitunguhan ang mga bahay-kalakal na Tsino at gawin ang normal na kooperasyong komersyal ng dalawang bansa. Aniya, dapat aktibong pasulungin ang ganitong kooperasyon, sa halip ng paglagay ng mga hadlang.

Ayon sa ulat, isinasaalang-alang ng pamahalaang Amerikano ang isang mosyon hinggil sa paghadlang sa patuloy na pagkakaloob ng General Electric Company (GE) ng makina sa C919 eroplanong pampasahero ng Tsina.

Nag-aalala itong posibleng kopyahin ng panig Tsino ang paggawa ng ganitong makina, kaya ito ay makakapinsala sa kapakanang komersyal ng Amerika.

Kaugnay nito, sinabi ni Geng na napansin ng Tsina ang pagdududa ng GE sa nasabing mosyon ng pamahalaang Amerikano. Aniya, sa palagay ng GE, mas mahirap kaysa guniguni ng ilang opisyal na Amerikano ang pagkopya sa may kinalamang modernong teknik ng pagyari ng makina. Ayon sa GE, nakikipagkooperasyon ito sa panig Tsino sa loob ng maraming taon, at hindi isinagawa ng panig Tsino ang anumang pangongopya.

Salin: Vera