Inilabas nitong Martes, Pebrero 18, 2020 ng Afghan Independent Election Commission (IEC) ang pinal na resulta ng halalang pampanguluhan. Nagwagi si Ashraf Ghani, kasalukuyang Pangulo ng Afghanistan, ng mahigit 923 libong boto, at ito ay katumbas ng 50.64% ng kabuuang bilang ng mga boto. Patuloy siyang manunungkulan bilang pangulo ng bansa. Nagwagi naman ng mahigit 720 libong boto ang isa pang kandidato na si Abdullah Abdullah, Chief Executive Officer ng pamahalaan.
Ilang oras pagkaraang ilabas ang resulta ng halalan, hindi tinanggap ni Abdullah Abdullah, Chief Executive Officer ng Afghanistan ang naturang resulta, at ipinatalastas niya ang pagbuo ng inklusibong pamahalaan.
Salin: Vera