Kasangguni ng Estado ng Tsina at Pangulo ng Laos, nagtagpo

(GMT+08:00) 2020-02-20 15:44:51       CRI2020-02-20 15:44:52

Vientiane, Laos—Nakipagtagpo Huwebes, Pebrero 20, 2020 si Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

Kinumusta ni Boungnang ang pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang epidemiya, at pagkaraan ng epidemiya, pananatilihin ng kabuhayang Tsino ang mabilis na pag-unlad.

Saad naman ni Wang, sa proseso ng magkasamang paglaban sa epidemiya ng COVID-19, napalalim ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng Tsina at Laos.

Walang humpay na susulong aniya ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Salin: Vera