Wang Yi: magkakasamang pananaigan ang kahirapan

(GMT+08:00) 2020-02-21 10:03:11       CRI2020-02-21 10:03:12

Pagkatapos ng Ika-5 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Foreign Ministers' Meeting sa Vientiane, Laos nitong Huwebes, Pebrero 20, 2020, magkasamang humarap sa media sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos.

Saad ni Wang, ang kasalukuyang pulong ay idinaos sa espesyal na kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Aniya, ipinakita sa pulong ang tradisyon ng LMC at diwa ng komong kapalaran ng mga bansa sa Lancang-Mekong region.

May lubos na kompiyansa ang iba't ibang bansa ng LMC na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap, pagtatagumpayan ang epidemiya, at pangangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon, dagdag ni Wang.

Salin: Vera