Tsina: itatatag ang LMC Economic Development Belt, sa pamamagitan ng New International Land-Sea Trade Corridor

(GMT+08:00) 2020-02-21 10:08:35       CRI2020-02-21 10:08:36

Ipinahayag nitong Huwebes, Pebrero 20, 2020 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagtatatag ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Economic Development Belt ay komong hangarin ng 6 na bansa sa rehiyon ng LMC.

Para rito, iminungkahi ng Tsina na sa pamamagitan ng sinerhiya ng LMC at New International Land-Sea Trade Corridor, direktang magpasok ng mga produkto ng mga bansa sa kahabaan ng Mekong River sa malaking pamilihan ng gitnang bahagi at kanluran ng Tsina, maging sa pamilihan ng Gitnang Asya at Europa.

Winika ito ni Wang sa magkasanib na preskon nila ni Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, pagkatapos ng Ika-5 LMC Foreign Ministers' Meeting.

Salin: Vera