Tsina, pinasalamatan ang pagkatig ng ASEAN sa pagharap sa epidemiya ng COVID-19

(GMT+08:00) 2020-02-21 18:24:33       CRI2020-02-21 18:24:34

Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-21 ng Pebrero 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa epidemiya ng novel coronavirus disease (COVID-19), at pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation na idinaos kahapon sa Vientiane, Laos, buong pagkakaisang ipinahayag ng Tsina at mga bansang ASEAN, na magkakasamang haharapin ang epidmiya, sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakatigan.

Sinabi ni Geng, na nananalig ang panig Tsino, na pagkaraang dumaan sa pagsubok ng kasalukuyang epidemiya, magiging mas malapit ang relasyong Sino-ASEAN, at ibayo pang susulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

Salin: Liu Kai