Tsina, palalakasin ang pakikipagkooperasyon sa Pilipinas laban sa online gaming crime

(GMT+08:00) 2020-02-23 17:05:33       CRI2020-02-23 17:05:34

Sa pahayag na inilabas ngayong araw, Linggo, ika-23 ng Pebrero 2020, ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, sinabi nitong handa ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Pilipino, para labanan ang mga cyber-criminal activity na dulot ng online gaming, gaya ng pagkidnap, ilegal na pagtatrabaho, panghuhuthot, money laundering, at iba pa.

Layon nitong pangalagaan ang mga lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pasulungin ang relasyon at kooperasyong Sino-Pilipino, dagdag ng pahayag.

Ayon sa may kinalamang ulat, nauna rito, pinawalang-bisa kamakailan ng Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina ang passport ng libu-libong mamamayang Tsino, na nagtatrabaho para sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Salin: Liu Kai