PM ng Malaysia, nag-resign

(GMT+08:00) 2020-02-25 12:29:15       CRI2020-02-25 12:29:16

Nagbitiw Pebrero 24, 2020, si Mahathir Bin Mohamad, sa kanyang tungkulin bilang Punong Ministro ng Malaysia. Tinanggap ni King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah, pinakamataas na lider ng Malaysia, ang pagbaba sa pwesto ni Mahathir at hinirang siya bilang pansamantalang Punong Ministro habang nag-aantay ng kanyang kapalit.

Ayon sa pahayag na ipinalabas ni Mohd Zuki Al, Punong Kalihim ng pamahalaan ng Malaysia, mamamahala si Mahathir sa mga suliraning pampamahalaan ng bansa hanggang mahirang ang bagong PM at mabuo ang bagong gabinete.

Salin:Sarah