Itinaguyod nitong Martes, Marso 3, 2020 sa ika-43 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang diyalogo sa special rapporteur sa pagpupuslit ng mga bata.
Ipinahayag ni Liu Hua, Epsesyal na Kinatawan ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Karapatang Pantao, na ang pag-unlad ng teknolohiya ng impormasyon ay nagkaloob ng pagkakataon sa mahinang sektor na kinabibilangan ng mga kabataan at kababaihan para sa pag-aaral ng kamalayan at pag-unawa ng daigdig.
Pero ang mga bagong uri ng krimen na gaya ng online sexual exploitation sa mga bata ay nagbunsod ng bagong hamon para sa pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan sa digital era, aniya.
Dagdag ni Liu, dapat isagawa ng iba't ibang bansa ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin, at mabigat na parusahan ang iba't ibang uri ng krimen ng paglapastangan sa karapatan at kapakanan ng mga menor de edad sa pamamagitan ng internet, alinsunod sa batas.
Aniya pa, nitong nakalipas na ilang taon, positibong progreso ang natamo ng pamahalaang Tsino sa aspekto ng pagbibigay-dagok sa children smuggling.
Nakahanda aniya ang kanyang pamahalaan, kasama ng mga organo ng UN at mga pamahalaan ng iba't ibang bansa, na magkakasamang bigyang-dagok ang pagpupuslit ng mga bata at totoong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata.
Salin: Vera