Nanumpa kahapon, Lunes, ika-9 ng Marso 2020, sa tungkulin bilang Pangulo ng Afghanistan si Mohammad Ashraf Ghani, para pasimulan ang kanyang ikalawang termino sa posisyong ito.
Samantala, nang araw ring iyon, nagdaos din ng panunumpang pampanguluhan si Abdullah Abdullah, Government Chief Executive ng Afghanistan at pinakamalaking karibal ni Ghani.
Sa halalang pampanguluhan ng Afghanistan na idinaos noong Setyembre ng nagdaang taon, nagwagi si Ghani. Pero, sinabi ni Abdullah, na may pandaraya sa botohan, at di tinanggap ang resulta. Ipinatalastas niya mismo ang kanyang pagkapanalo, at itinatag ang "parallel government."
Salin: Liu Kai