Premyer Tsino, bumati sa bagong PM ng Malaysia

(GMT+08:00) 2020-03-10 15:37:21       CRI2020-03-10 15:37:22

Ipinadala kahapon, Lunes, ika-9 ng Marso 2020, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Muhyiddin Yassin, bagong Punong Ministro ng Malaysia, bilang pagbati sa kanyang panunungkulan sa posisyong ito.

Sinabi ni Li, na matalik na magkapitbansa at mahalagang magkatuwang ang Tsina at Malaysia, at mainam ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang pag-asang, patuloy na palalalimin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia, pasusulungin ang pagtamo ng mas malaking bunga ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at patataasin sa bagong lebel ang rehiyonal na kooperasyong kinabibilangan ng kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations.

Salin: Liu Kai