Duterte, negatibo sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-03-14 09:51:38       CRI2020-03-14 09:51:39

Negatibo ang resulta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ipinaalam ni Senador Christopher "Bong" Go kahapon, Biyernes, ika-13 ng Marso 2020 matapos silang sabay na magpasuri. Negatibo rin ang resulta ni Go.

Nitong Marso 5, lumahok ang ilang miyembro ng gabinete sa inspeksyon ng haywey, at isang kalahok sa aktibidad na ito ang nakumpirmang may-sakit ng COVID-19. Pagkatapos, sumailalim ang naturang mga kalihim sa self quarantine, at isinagawa naman ang virus test kina Duterte at Go.

Salin: Liu Kai