Grupo ng mga dalubhasang medikal, ipinadala ng pamahalaang Tsino sa Kambodya para labanan ang COVID-19

(GMT+08:00) 2020-03-23 15:50:16       CRI2020-03-23 15:50:17

Ipinatalastas Lunes, Marso 23, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na upang tulungan ang Kambodya sa pagharap sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinasiya ng pamahalaang Tsino ang pagpapadala ng grupo na binubuo ng mga dalubhasang medikal upang labanan ang epidemiya sa Kambodya.

Kalahok sa nasabing grupo ang Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, at ang mga dalubhasa ay pinili ng Komisyong Pangkalusugan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi.

Nagsadya sila sa Kambodya nang araw ring iyon.

Salin: Vera