Video meeting tungkol sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, idinaos ng mga doktor na Tsino at Pilipino

(GMT+08:00) 2020-03-24 22:38:05       CRI2020-03-24 22:38:06

Martes ng gabi, Marso 24, 2020, isang video meeting ang idinaos sa pagitan ng mga doktor mula sa Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) at First Affiliated Hospital of Medical School of Zhejiang University tungkol sa pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Video meeting tungkol sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, idinaos ng mga doktor na Tsino at Pilipino

Ibinahagi ng mga ekspertong Tsino ang kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpigil at pagkontrol, at paggamot sa COVID-19. Umaasa naman ang mga ekspertong Pilipino na mapag-aaralan nila ang mga karanasan mula sa mga kasamahang Tsino.

Video meeting tungkol sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, idinaos ng mga doktor na Tsino at Pilipino

Walong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang kasalukuyan ngayong ginagamot sa CGHMC.

Salin: Lito