Tsina: Hinimok ang Amerika na agarang itigil ang cyber theft

(GMT+08:00) 2020-03-27 15:39:00       CRI2020-03-27 15:39:01

Ang Amerika ay pinakamalaking cyber thief ng buong mundo, at hinimok muli ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang cyber theft at pag-atake sa Tsina.

Ipinahayag ito Marso 26, 2020, dito sa Beijing, ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina.

Nauna rito, ipinalabas ng Qihoo 360 Technology Co. Ltd. ng Tsina ang ulat na nagsasabing pagkaraan ng imbestigasyon, nakumpirma na ang Amerika ay nagsasagawa ng 11 taon na cyber attack sa Tsina na nakaapekto sa maraming aspekto ng bansa.

Ipinahayag ni Ren na sa kasalukuyan, muling kinumpirma ang naturang ulat ang cyber theft ng Amerika. Mahigpit na hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang aksyong ito, para maitatag ang mapayapa, ligtas, bukas at kooperatibong internet sa Tsina at buong daigdig.

Salin:Sarah