China-Laos Railway, sinimulan ang paglatag ng riles

(GMT+08:00) 2020-03-28 09:12:02       CRI2020-03-28 09:12:03

Sinimulan kahapon, Biyernes, ika-27 ng Marso 2020, sa Vientiane, Laos, ang paglatag ng riles sa China-Laos Railway.

Ito ay palatandaan ng malaking progreso sa konstruksyon ng naturang daambakal, na nakatakdang isaoperasyon sa katapusan ng 2021.

Ayon sa disenyo, ilalatag araw-araw ang 1.5 kilometrong riles sa China-Laos Railway.

Salin: Liu Kai