Miyerkules, Abril 1, 2020, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Ram Nath Kovind ng India, bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Saad ni Xi, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, itinatag ng Tsina't India ang estratehiko't kooperatibong partnership tungo sa kapayapaan at kasaganaan, at masipag na itinatatag ang mas mahigpit na parternship na pangkaunlaran.
Aniya, nasa bagong simula ngayon ang relasyong Sino-Indian, at sinasalubong ang bagong pagkakataon.
Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indian, at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Kovind, upang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas, ihatid ang mas maraming biyaya sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at gawin ang mas maraming ambag sa Asya, maging sa buong daigdig.
Ipinagdiinan naman ni Kovind na bilang mga kapitbansa, matandang sibilisadong bansa at pangunahing bagong-sibol na ekonomiya, ang pagpapanatili ng mainam na relasyon ng Tsina at India ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa.
Mahalagang mahalaga rin ito sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig, aniya.
Ani Kovind, nakahanda ang panig Indian, kasama ng panig Tsino, na palawakin at palalimin ang mas mahigpit na partnership na pangkunlaran.
Nang araw ring iyon, nagpadala rin ng mensahe sa isa't isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Narendra Damodardas Modi ng India, bilang pagbati sa okasyong ito.
Salin: Vera