Luntian at sibilisadong Qingming Festival, itataguyod ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-04-02 16:56:46       CRI2020-04-02 16:56:47

Sa isang news briefing na idinaos sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 1, 2020 ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Fan Yu, Pangalawang Puno ng Departamento ng Suliraning Panlipunan ng Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina, na sa darating na Qingming Festival (Tomb Sweeping Day ng Tsina), puspusang itataguyod ang off-site tomb sweeping ways na tulad ng online o cloud tomb sweeping, pag-alaala sa mga yumao sa bahay, at pagsasagawa ng serbisyo ng pagpapalinis ng libingan.

Sinabi ni Fan na ito ay hindi lamang makakapagbigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan, kundi mapipigilan pa ang panganib ng pagkalat ng epidemiya dahil sa paggalaw at pagtitipun-tipon ng mga tao.

Ang Abril 4 ay Qingming Festival o Tomb-Sweeping Day na isang tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Ito ay hindi lamang isang solemnang kapistahan ng pag-alaala at paglilinis ng libingan ng mga pumanaw, isa ring maligayang araw ng paglalakbay ng mga tao sa tagsibol.

Salin: Lito