Nag-usap sa telepono Abril 2, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesiya. Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaang Tsino at mga mamamayan ng Tsina, ang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng Indonesiya na naapektuhan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang suporta at tulong sa Indonesiya. Binigyan-diin ni Xi na ang epidemiya ng COVID-19 ay komong hamong na kinakaharap ng buong sangkatauhan, dapat mahigpit na magkooperasyon ang Tsina at Indonesiya. Isulong ang papel ng G20 at komunidad ng daigdig sa larangan ng pagharap sa krisis at pagsasa-ayos ng kabuhayang pandaigdig. Ipinahayag ni Joko na natamo ng Tsina ang mahalagang bunga sa paglaban sa COVID-19 na nagbibigay ng napakahalaga aral sa buong daigdig. Pinasalamatan niya ang Tsina sa ipinagkaloob na mga materyal at ibang suporta sa Indonesiya. Ipinahayag niya na buong lakas na tinututulan ng Indonesiya ang anumang stigmatisasyon. Nakahanda ang Indonesiya na magsikap, kasama ng Tsina, para palakasin ang kooperasyon ng komunidad ng daigdig.
Salin:Sarah