Pangulong Tsino at Laos, nakahandang magkasamang lagpasan ang hamon ng COVID-19

(GMT+08:00) 2020-04-04 10:26:01       CRI2020-04-04 10:26:02

Nag-usap nitong Biyernes, Abril 3, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na Lao na si Bounnhang Vorachith hinggil sa magkasamang paglaban sa epidemiko ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa pag-uusap, sa ngalan ng sambayanang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pangungumusta at pagkatig sa pagpuksa ng Laos sa COVID-19. Nakahanda aniya ang Tsina na batay sa tunay na kakailanganin ng Laos, patuloy na magkakaloob ang panig Tsino ng tulong at suporta.

Ipinahayag naman ni Bounnhang ang paghanga sa napapanahong pagbabahagi ng Tsina ng mga karanasan laban sa COVID-19, at pagpapadala ng mga tauhang medikal. Kinikilala rin niya ang kahalagahan ng ideya ng Tsina na itatag ang komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan, at mga pagsisikap ng Tsina, sa hamon ng pandemic ng COVID-19.

Salin:Jade

Pulido: Mac