Kumpanyang Tsino, nagdonate ng mga medical supplies sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2020-04-08 16:39:07       CRI2020-04-08 16:39:08

Kumpanyang Tsino, nagdonate ng mga medical supplies sa Pilipinas

Nag-donate ang China Road and Bridge Corporation (CRBC) Office sa Pilipinas ng mga medical supplies sa ilang mga ospital sa bansa.

Lunes, ipinagkaloob ng CRBC ang 12,000 surgical masks, 1,000 N95 masks and 50 personal protective equipment (PPE) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Pilipinas na siyang mag-aabot naman ng mga ito sa piling ospital sa bansa.

Pinasalamatan ni Undersecretary Emil Sadain ng DPWH ang pagtulong ng CRBC. Sinabi niyang iaabot ng DPWH ang naturang mga supplies sa mga nangangailangang ospital.

Kumpanyang Tsino, nagdonate ng mga medical supplies sa Pilipinas

Martes, nag-donate rin ang CRBC ang 10,000 surgical masks, 1,000 N95 masks and 50 PPE sa walong ospital ng Pilipinas na gaya ng Manila Doctors Hospital, Cardinal Santos Medical Center, Marikina Valley Medical Center, Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital, Asian Hospital, Delos Santos Medical Center, Our Lady of Lourdes Hospital at Makati Medical Center.

Ulat ni Ernest Wang