ASEAN Plus Three video conference hinggil sa COVID-19, idaraos; Premyer Tsino, lalahok

(GMT+08:00) 2020-04-13 18:56:05       CRI2020-04-13 18:56:06

Nakatakdang idaos bukas, Abril 14, 2020, ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN Plus Three) ang video conference hinggil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa ngalan ng Tsina, lalahok sa pulong si Premyer Li Keqiang.

Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon ngayong araw sa Beijing.

Layon ng pulong na ipakita ang determinasyon at hangarin ng mga bansa ng Silangang Asiya na magkakasamang lagpasan ang hamon ng COVID-19 at pangalagaan ang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyon, saad ni Zhao.

Bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, ang Vietnam ay mangungulo sa Pulong, dagdag pa ni Zhao.

Salin: Jade