Espesyal na Summit ng ASEAN Plus Three tungkol sa COVID-19, idinaos

(GMT+08:00) 2020-04-14 16:16:39       CRI2020-04-14 16:16:40

Idinaos ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, sa porma ng video conference, ang Espesyal na Summit ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon, at Timog Korea (ASEAN Plus Three) tungkol sa COVID-19.

Lumahok sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa pamamagitan ng video link sa Beijing. Iniharap niya ang mga mungkahi ng panig Tsino, para sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagpigil sa pagkalat ng sakit na ito, at pagpapanatili ng pag-unlad ng kabuhayan.

Salin: Liu Kai