G20, ipinatalastas ang pansamantalang debt relief sa mga pinakamahirap na bansa

(GMT+08:00) 2020-04-16 16:27:53       CRI2020-04-16 16:27:54

Sa harap ng epektong dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sumang-ayon ang G20, na puwedeng hindi muna magbayad ng utang ang mga pinakamahirap na bansa, mula darating na Mayo 1 hanggang katapusan ng taong ito.

Nanawagan din ang G20 sa mga individual creditor na isagawa ang parehong hakbangin.

Ito ang napagkasunduan sa video conference ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng G20, na idinaos kahapon, Miyerkules, ika-15 ng Abril 2020.

Bukod dito, ipinangako ng G20 ang magkakaloob ng suportang medikal sa mga bansang may pangangailangan.

Salin: Liu Kai