Sa kabila ng mga di-totoong balita tungkol sa di-umano ay, di-pantay na pakikitungo sa mga Aprikano sa Tsina sa panahon ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, patuloy ang panig Tsino sa pagkakaloob ng mga kagamitang medikal sa Aprika.
Magkakasunod na dumating kamakalawa, Biyernes, ika-17 ng Abril 2020, sa ilang bansang Aprikano, na gaya ng South Sudan, Sao Tome and Principe, at Lesotho, ang mga materyal mula sa pamahalaan at mga kompanyang Tsino.
Pumunta naman sa paliparan ang mga mataas na opisyal ng mga bansang ito, para kunin ang mga materyal.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa, na ipinakikita nito ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang Aprikano, at kanilang kahandaang magkaisa sa harap ng krisis.
Salin: Liu Kai