Mahigit 20,000 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong Aprika, maliban sa Comoros at Lesotho.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Organization (WHO) na dahil sa kakulangan sa mga test kit, may posibilidad na mas mataas ang aktuwal na kumpirmadong kaso kaysa sa bilang na ito.
Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng United Nations Economic Commission for Africa (UNECA), maaaring mahigit 300 libong Aprikano ang posibleng mamatay dahil sa COVID-19.
Dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa Aprika, bababa ang paglaki ng kabuhayan ng Aprika mula 3.2% sa mga 1.8%.
Ito'y direktang dahilan ng mataas na mortalidad.
Salin:Sarah