Ipinahayag Abril 21, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na magkahiwalay na tinatalakay ng Tsina sa Timog Korea at Singapore ang pagtatatag ng mabilis na tsanel para sa mahalagang pagpapalitang komersyal at teknolohikal. Ang layon nito ay, sa paunang kondisyon ng pagpigil at pagkontrol ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), patatagin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga kinauukulang bansa, at igarantiya ang ligtas at maalwang operasyon ng supplay chain ng pandaigdigang industriya.
Salin:Sarah