Grupo ng mga dalubhasang medikal ng Tsina sa Myanmar, bumalik na sa Kunming

(GMT+08:00) 2020-04-23 16:01:19       CRI2020-04-23 16:01:20

Maayos na natapos ng grupo ng mga dalubhang medikal ng Tsina ang tungkulin ng pagbibigay-saklolo sa Myanmar, at nakabalik na sila sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng bansa.

Grupo ng mga dalubhasang medikal ng Tsina sa Myanmar, bumalik na sa Kunming

Sa pamamagitan ng virtual platform, pinasalamatan ni Myint Htwe, Ministro ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar, ang mga miyembro ng nasabing grupong Tsino.

Grupo ng mga dalubhasang medikal ng Tsina sa Myanmar, bumalik na sa Kunming

Isinalaysay naman ni Yang Lijuan, Puno ng nasabing grupo, na makaraang dumating sa Myanmar nitong Abril 8, bumisita ang kanyang grupo sa 43 organong medikal at kaukulang departamento sa Yangon at Mandalay.

Aniya pa, sinanay din ng kanyang grupo ang mahigit 400 doktor at nars ng Myanmar sa pgalaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Grupo ng mga dalubhasang medikal ng Tsina sa Myanmar, bumalik na sa Kunming

Ibinahagi aniya ng kanyang grupo ang karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya, at iniharap ang kuru-kuro't mungkahi kaugnay ng pagpuksa sa epidemiya ng Myanmar.

Salin: Vera