[Video] Xi Jinping: SOEs, modelo sa pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon

(GMT+08:00) 2020-04-23 12:01:33       CRI2020-04-23 12:01:34

Sa kanyang pagdalaw kahapon, Miyerkules, ika-22 ng Abril 2020, sa Shaanxi Automobile Holding Group, binigyang-diin ni Pangulong Xi, na ang mga bahay-kalakal na ari ng estado o state-owned enterprises (SOEs), na nangunguna sa pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon, ay nagiging modelo sa aspektong ito.

Ang Shaanxi Automobile Holding Group, na matatagpuan sa Xi'an, punong lunsod ng lalawigang Shaanxi sa hilagang kanlurang Tsina, ay malaking kompanya ng paggawa ng iba't ibang uri ng sasakyan sa bansa.

Napanumbalik ang operasyon at produksyon sa kompanyang ito noong Pebrero 14, 2020.

Salin: Liu Kai