Sa kasalukuyan, mabilis na sumusulong ang pagbalik sa trabaho't produksyon sa larangan ng industriya at pagsasaimpormasyon ng Tsina, at nagkaroon ng positibong pagbabago ang takbo ng kabuhayan ng bansa. Samantala, nananatiling matatag sa kabuuan ang operasyon ng industriya ng impormasyon at komunikasyon, at lumago sa gitna ng mahirap na kalagayan ang bagong kabuhayan at naging bagong lakas-panulak.
Isiniwalat nitong Huwebes, Abril 23, 2020 ng opisyal ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, planong itayo ng Tsina ang 500,000 bagong 5G base stations.
Ayon kay Wen Ku, opisyal ng nasabing ministri, na hanggang noong katapusan ng Marso, naitayo sa buong bansa ang 198,000 5G base stations. Sa susunod na hakbang, patuloy at pabibilisin ng ministring ito ang konstruksyon ng 5G network, pabubutihin ang kapaligiran ng inobasyon, at patitingkarin ang bagong kasiglahan sa paglago ng kabuhayan.
Salin: Vera