Idinaos kamakailan ng mga ekspertong medikal ng Tsina at Thailand ang unang online meeting tungkol sa panggagamot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag sa pulong ng panig Thai na may maraming sulong na karanasan ang Tsina sa panggagamot ng nasabing sakit. Ito anila ay may mahalagang katuturang pampatnubay para sa Thailand.
Ipinahayag din ni Amorn Leelarasamee, Infectious Disease Specialist ng Thailand, na mula sa pag-analisa sa uri ng gene ng corona virus, imposible itong nilikha sa laboratoryo. Ang corona virus ay nagmula sa kalikasan, aniya.
Salin: Lito