International Liaison Department ng CPC, nagkaloob ng materyal na kontra-epidemiya sa Lao People's Revolutionary Party

(GMT+08:00) 2020-04-29 15:31:22       CRI2020-04-29 15:31:23

Ginanap nitong Lunes, Abril 27, 2020 ang seremonya ng pagbibigay ng mga kagamitang kontra-epidemiya na ipinagkaloob ng International Liaison Department ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Laos.

Dumalo sa turn-over ceremony sina Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, at Sounthone Xayachack, Puno ng Commission for External Relations ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP).

Sinabi ni Jiang na patuloy na tutulungan ng kanyang bansa ang panig Lao upang pagtagumpayan ang COVID-19 pandemic.

Sa ngalan ng LPRP, pamahalaan at mga mamamayang Lao, taos pusong pinasalamatan ni Xayachack ang ibinigay na suporta at tulong ng partido, pamahalaan at mga mamamayang Tsino.

Salin: Vera