Ayon sa pinakahuling datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 2.5 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong Abril 2020.
Ito ay bumaba ng 0.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang nasabing pagbaba ay mas maliit ng 5.7% kumpara sa pagbaba noong unang kuwarter ng taong ito.
Sa kabilang dako, lumago naman ng 8.2% ang pagluluwas noong Abril, at ito ang unang buwanang paglaki ng taong ito.
Sinabi ni Li Kuiwen, opisyal ng nasabing administrasyon, na ito ay nagpapakitang ibayo pang tumitibay ang mabuting tunguhin ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya.
Aniya pa, tuluy-tuloy na bumubuti ang pagbalik sa trabaho't produksyon, at patuloy rin ang paglitaw ng bisa ng mga patakaran sa pagpapatatag ng kalakalang panlabas.
Salin: Vera