Ipinahayag Mayo 10, 2020 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat likhain ang mas maraming kilalang tatak ng Tsina para matugunan ang pangangailangan sa karagdagang konsumsyon ng Tsina at pag-unlad ng bansa.
Sa mensahe sa online event 2020 China Brand Day, sinabi ni Li na dapat pataasin ang kalidad at inpluwensiya ng mga paninda at serbisyo ng Tsina, at ito ay mahalagang aspekto ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob at pag-unlad na may mataas na kalidad.
Ang 2020 China Brand Day ay magkakasamang itinaguyod ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Komersyo, Ministri ng Agrikultura, Pamahalaan ng Shanghai at iba pang mga departemento ng Tsina.
Ang aktibidad na ito ay kabilang sa online Chinese brands expo at internasyonal na porum at iba pa.
Lumahok sa aktibidad ang mahigit 1,300 kompanya.
Salin:Sarah