Kinatawan ng WHO sa Tsina, sumagot sa liham ng estudyante ng Wuhan

(GMT+08:00) 2020-05-14 14:58:33       CRI2020-05-14 14:58:34

Nitong Lunes, Mayo 11, 2020, inilabas ng World Health Organization (WHO) ang isang nakasulat-kamay na liham ni Gauden Galea, Kinatawan ng WHO sa Tsina, bilang sagot sa liham ng mga estudyante ng Xunguang Middle School ng Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina.

Kinatawan ng WHO sa Tsina, sumagot sa liham ng estudyante ng Wuhan

Pinasalamatan ni Galea ang liham ng mga estudyante, at aniya, ang nasabing liham ay simbolo ng pag-asa at pagkakaisa na kailangang-kailangan sa kasalukuyang paglaban ng buong mundo sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Saad ni Galea, dalawang taon na ang nakararaan sapul nang manungkulan siya bilang kinatawan ng WHO sa Tsina. Naramdaman niya ang kabaitan at pagkakaibigan ng mga mamamayan sa iba't ibang sulok ng Tsina.

Kinatawan ng WHO sa Tsina, sumagot sa liham ng estudyante ng Wuhan

Sinabi ni Galea na nagpupunyagi ang kanyang grupo, kasama ng mga cooperative partner, upang itatag ang mas magandang bagong normalidad. Ang liham ng mga estudyanteng Tsino ay nagpadala ng pag-asa, at ipinahihiwatig nitong kung magkakapit-bisig tayo, tiyak na malilikha ang mas magandang kinabukasan, dagdag pa ng liham.

Noong Mayo 5, ipinadala ng mga estudyante ng Xunguang Middle School ng Wuhan ang liham kay Gauden Galea, kung saan nanawagan sila sa mga kabataan ng buong mundo na magkapit-bisig para tulungan ang mga taong may pangangailangan.

Salin: Vera