Tsina, nagbibigay-tulong sa paghahanap-buhay ng mga may kapansanan

(GMT+08:00) 2020-05-18 16:18:39       CRI2020-05-18 16:18:40

Nitong Linggo, Mayo 17, 2020 ay ika-30 pambansang araw ng pagbibigay-tulong sa mga may kapansanan ng Tsina.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 80 milyon ang bilang ng mga may kapansanan sa bansa.

Ayon sa kaukulang datos ng China Disabled Persons' Federation (CDPF), sa taong 2020, mahigit 8.55 milyong may-kapansanan sa mga lunsod at nayon ng Tsina ang may lisensya sa paghahanap-buhay, at ito ay katumbas ng halos 1/10 ng kabuuang bilang mga may kapansanan sa buong bansa.

Sarilinang pinapatingkad ng mga may-kapansanan ang sariling katalinuhan sa iba't ibang industriya at larangan.

Noong Mayo 17, inilunsad ng Ministri ng Yamang-tao at Segurong Panlipunan ng Tsina ang aktibidad ng pagbibigay-tulong sa paghahanap-buhay ng mahihirap na may kapansanan.

Ipinagdiinan nito ang pagbibigay-tulong sa paghahanap-buhay at pagpapasimula ng negosyo ng mga may kapansanan, sa pamamagitan ng e-commerce, internet at iba pang bagong business forms.

Salin: Vera