ADB, sinusuportahan ang mga miyembro sa pakikibaka laban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-05-19 14:47:47       CRI2020-05-19 14:47:48

Inilabas nitong Lunes, Mayo 18, 2020 ng Asian Development Bank (ADB) ang "Taunang Ulat ng ADB para sa Taong 2020" kung saan komprehensibong isinalaysay ang kalagayang pinansiyal at operasyon nito sa nakalipas na taon. Anang ulat, noong isang taon, ipinagkaloob ng ADB ang plano at proyektong pangkaunlaran at mga kaukulang suporta sa mga umuunlad na kasapi nito sa rehiyong Asya-Pasipiko na nagkakahalaga ng 33.74 na bilyong dolyares.

Ipinahayag ni Asakawa Masatsugu, Puno ng ADB, na sa kalagayan ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, ipagpapatuloy ng ADB ang paggawa ng agarang reaksyon sa pangangailangan ng mga miyembro nito para tulungan sila sa pakikibaka laban sa epidemiya at mapanumbalik ang kanilang pag-ahon mula sa epidemiya.

Salin: Lito