Kauna-unahang '5G + 8K' integrated production, naisagawa ng CMG

(GMT+08:00) 2020-05-20 16:38:48       CRI2020-05-20 16:38:49

Bilang pagsalubong sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), matagumpay na naisagawa ng China Media Group (CMG) ang kauna-unahang 5G+8K integrated production sa loob ng bansa, sa pamamagitan ng real-time transmission at rapid editing.

Kauna-unahang '5G + 8K' integrated production, naisagawa ng CMG

Idinaos nitong Martes, Mayo 19, 2020 ng CMG ang seremonya ng pagsisimula ng linggo ng promosyon ng "5G + 4K/8K + AI" media innovative application.

Dumalo sa nasabing seremonya sina Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Presidente't Punong Editor ng CMG, Yan Xiaoming at Jiang Xiwei, mga Pangalawang Presidente ng CMG, at ang mga miyembro ng editorial board ng CMG at mga namamahalang tauhan ng tatlong pangunahing mobile network operator ng Tsina.

Kauna-unahang '5G + 8K' integrated production, naisagawa ng CMG

Si Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Presidente't Punong Editor ng CMG

Saad ni Shen, sa kasalukuyang taon, puspusang pasusulungin ng CMG ang pagbabago ng isang traditional media tungo sa isang all-media organization na magprodyus ng primera klaseng orihinal na video at audio content, at pagbabago ng tradisyonal na teknik sa estratehikong kayarian ng "5G + 4K/8K + AI".

Kauna-unahang '5G + 8K' integrated production, naisagawa ng CMG

Dagdag pa niya, patuloy na isasagawa ng CMG, kasama ng mga partner na kinabibilangan ng tatlong pangunahing mobile network operator, ang inobasyong teknikal sa ilalim ng kapaligiran ng 5G network, para komprehensibong mapasulong ang leap-forward development ng media ng telebisyon at radio at communication technologies.

Salin: Vera