BeiDou Navigation System ng Tsina, komprehensibong itatatag

(GMT+08:00) 2020-05-20 15:11:04       CRI2020-05-20 15:11:05

Inilabas nitong Lunes, Mayo 18, 2020 ng GNSS and LBS Association of China (GLAC) ang white paper hinggil sa pag-unlad ng industriya ng satellite navigation at location-based service ng Tsina sa taong 2020.

Ayon sa nasabing white paper, halos 345 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng output ng industriya ng satellite navigation at location-based service ng bansa noong 2019, at ito ay lumaki ng 14.4% kumpara noong 2018.

Sa Hunyo ng taong ito, ilulunsad ng Tsina ang huling BDS-3 satellite, at komprehensibong itatatag ang BeiDou Navigation Satellite System (BDS). Ipagkakaloob nito sa mga global users ang 7 serbisyong kinabibilangan ng mas de-kalidad na location-based service, at pandaigdigang paghahanap at pagliligtas.

Salin: Vera