Pangulo ng Tsina at Myanmar, nag-usap sa telepono: ugnayan ng dalawang bansa, palalakasin

(GMT+08:00) 2020-05-21 15:30:17       CRI2020-05-21 15:30:18

Sa pag-uusap sa telepono Mayo 21, 2020, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Win Myint ng Myanmar, tinukoy ni Xi na tinulungan ng Myanmar ang Tsina noong panahong maigting ang situwaston ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Aniya pa, ngayong ang Myanmar naman ang nangangailangan ng tulong, at patuloy na aalalay ang Tsina.

Dagdag ni Xi, ipinadala na ng Tsina sa Mynamar ang mga materyal na medikal at dalawang batch na grupong medikal.

Ito'y lubos na nagpapakita sa diwa ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, aniya pa.

Ang taong ito ay Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, ani Xi.

Kaugnay nito, ma-a-alalang sa panahon ng pagbisita ni Xi sa Myanmar noong Enero 2020, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Myanmar, para simulan ang bagong panahon ng relasyon ng kapuwa panig.

Umaasa rin si Xi na mahigpit na mag-u-ugnayan ang dalawang bansa para isagawa ang mga aktuwal na aksyon.

Samantala, tinukoy ni Win Myint na tinutulungan at sinusuportahan ng Tsina ang World Health Orgnization (WHO) at ibang bansa, kabilang ang Myanmar, sa paglaban sa COVID-19.

Sa harap ng epidemiya, dapat aniyang palakasin ng iba't ibang panig ang kooperasyon, para mapangalagaan ang kalusugang pandaigdig, at karapatan sa pag-unlad ng bawat bansa.

Ipinahayag din niyang kasama ng Tsina, nakahanda ang Myanmar na magsikap para mataimtim na isakatuparan ang bunga ng pagbisita ni Pangulong Xi sa Myanmar, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Salin:Sarah