File Photo/Si Miao Xu, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina
Ibinahagi Mayo 25, 2020, sa "Ministry Passage" ng ikatlong pulong ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ni Miao Xu, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, itinatayo ang mahigit 10,000 5G base stations sa Tsina bawat linggo. Noong nakaraang Abril, nadagdagan ng mahigit 700 kliyente ng 5G. Hanggang ngayon, lumampas na sa 3,600 ang mga kliyente ng 5G sa kabuuan.
Sinabi ni Miao na kasabay ng pagtatayo ng mga pasilidad at pagdaragdag ng mga base stations, tiyak na magiging mas marami ang gagamit ng 5G technology. Inaasahan niya na sa Beijing Winter Olympic Games, mas maraming gagamit ng 5G technology, para ipagkaloob ang mas mabuting serbisyo para sa mga kliyente ayon sa kani-kanilang pangangailangan.
Salin:Sarah