Ipinahayag Mayo 25, 2020, dito sa Beijing, ni Huang Runqiu, Ministro sa Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang taong Plano, patuloy na gagawin nang mabuti ang paglaban at pagkontrol sa polusyon, buong lakas na pasusulungin ang pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran, at malaking patataasin ang lebel ng moderanisasyon ng kakayahan at sistema sa pagsasaayos ng ekolohikal na kapaligiran.
Sa panayam ng "Ministry Passage" ng ikatlong pulong ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress o (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Huang na sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang taong Plano, tiyak na isasakatuparan ang modernisasyon sa pag-sasaayos ng kapaligirang ekolohikal.
Salin:Sarah