Xi Jinping, hanga sa ambag ng hukbong sandatahan sa paglaban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-05-27 08:02:45       CRI2020-05-27 08:02:46

Xi Jinping, hanga sa ambag ng hukbong sandatahan sa paglaban sa COVID-19

Sa kanyang pagdalo kahapon, Martes, ika-26 ng Mayo 2020, sa plenaryong pulong ng delegasyon ng People's Liberation Army at People's Armed Police Force sa sesyon ng National People's Congress (NPC), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paghanga sa malaking pagsisikap at ambag na ibinigay ng hukbong sandatahan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Hiniling din niya sa hukbong sandatahan, na ibayo pang palakasin ang sariling kakayahan sa iba't ibang aspekto, para mas mabuting makapaglingkod sa mga mamamayan, at sa kapayapaan ng Tsina at buong mundo.

Salin: Liu Kai