Embahadang Tsino, nagbigay ng mga "Friendship Bag" sa Philippine Red Cross

(GMT+08:00) 2020-06-06 10:33:16       CRI2020-06-06 10:33:17

Embahadang Tsino, nagbigay ng mga "Friendship Bag" sa Philippine Red Cross

Ipinamigay, Biyernes, ika-5 ng Hunyo, 2020 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ang mga "Friendship Bag" sa Philippine Red Cross para tugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente ng Metro Manila.

Dumalo sa seremonya ng pamimigay sina Embahador Huang Xilian ng Tsina, at Senador Richard J. Gordon ng Pilipinas. Sinabi ni Embahador Huang na layon ng mga "Friendship Bag" na makatulong sa mga kapus-palad

Embahadang Tsino, nagbigay ng mga "Friendship Bag" sa Philippine Red Cross

Hinangaan ni Embahador Huang ang mga gawain ng Philippine Red Cross sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gaya ng pagkaloob ng mga protective supplies sa mga hospital at tauhang medikal sa frontline, pagdedepelob ng mobile application para sa tracking ng mga kaso ng nahawa sa virus, at pagpapataas ng kakayahan sa pagsusuri ng virus.

Pinasalamatan ni Senador Gordon ang malaking suporta ng Tsina sa Pilipinas para sa pagpuksa sa COVID-19. Sinabi pa niyang iaabot ang mga "Friendship Bag" sa mga Pilipino na talagang nangangailangan.

Embahadang Tsino, nagbigay ng mga "Friendship Bag" sa Philippine Red Cross

Ang "Friendship Bag" na may lamang esensiyal na pangangailangan sa araw-araw na gaya ng bigas, de-latang sardinas, at iba pa ay isang charity program na magkasamang isinasagawa ng Embahadang Tsino, mga Konsulada Heneral sa Cebu, Davao at Konsulada ng Laoag para tulungan ang mga mahihirap sa naturang mga lugar.

Ulat: Ernest Wang