10,907 metro sa ilalim ng dagat, bagong rekord ng pagsisid ng unmanned submersible ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-06-09 16:40:28       CRI2020-06-09 16:40:29

Pagkatapos ng siyentipikong ekspedisyon sa Mariana Trench, bumalik nitong Lunes, Hunyo 8, 2020 sa Lalawigang Liaoning ng Tsina ang unmanned submersible Haidou-1 ng bansa.

Sa panahon ng nasabing siyentipikong ekspedisyon, lumikha ang Haidou-1 ng record sa deep-sea diving, sa pamamagitan ng pagsisid ng 10,907 metro sa ilalim ng Pacific Ocean sa Marina Trench.

10,907 metro sa ilalim ng dagat, bagong rekord ng pagsisid ng unmanned submersible ng Tsina

Sa proseso ng pagsisid, sinubok ng mga mananaliksik ang high-precision depth detection, machine hand operation, acoustic detection and positioning, at high-definition video transmission.

Nangolekta ang Haidou-1 ng mga sample sa ilalim ng dagat, at nakakuha ng high-definition images ng kapaligirang heolohikal.

Salin: Vera