Konsiyerto para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, itatanghal ng Xiamen Philharmonic Orchestra

(GMT+08:00) 2020-06-09 15:55:43       CRI2020-06-09 15:55:44

Konsiyerto para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, itatanghal ng Xiamen Philharmonic Orchestra

Isasahimpapawid ngayong gabi, alas-7:45 ng gabi ng ika-9 ng Hunyo, 2020 ang konsiyerto bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas sa Xiamen TV at mga social media platforms ng National Commission for Culture and the Arts ng Pilipinas, at Cultural Center ng Pilipinas, Embahadang Tsino sa Pilipinas, Yangshipin, China Media Group Filipino Service, Chinatown TV, at iba pa.

Tutugtugin ng Xiamen Philharmonic Orchestra ang mga awitin ng Tsina at Pilipinas. Narito po ang programa:

1. My Motherland and I: Chinese na kanta na inilalarawan ang malakas at mahigpit na damdamin sa pagitan ng inangbansa at sambayanang Tsino.

2. The Running Stream: Folk song ng lalawigang Yunnan ng Tsina para ilarawan ang magandang tanawin ng lugar.

3. Jasmine: Tradisyonal na kanta ng Tsina.

4. Philippine Symphonic Folk Songs. Ang kantang ito ay kinabibilangan ng 24 na folk songs mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

5. Symphony no. 7 in A major, Op. 92: Sikat na kanta na inilikha ni Ludwig van Beethoven noong 1811 hanggang 1812.

Konsiyerto para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, itatanghal ng Xiamen Philharmonic Orchestra

Narito po ang live stream URL:

http://hotlive-share.kxm.xmtv.cn/index.html?cert_id=15uTdHeAUb9qcA4PhQ&_hgOutLink=tuwenol/tuwenol&id=30001

Ulat: Ernest

Pulido: Mac/Jade