Sinimulan nitong Lunes, Hunyo 8, 2020 ang paglalakbay-suri ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa Rehiyong Awtonomo ng Ningxia.
Ito ang kauna-unahang biyahe ni Xi sa labas ng Beijing, pagkaraang matapos ang dalawang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino.
Mula noong 1997 hanggang 2020, 4 na beses na naglakbay-suri sa Ningxia si Xi, at palagian niyang ikinababahala ang nasabing lupain at mga mamamayan doon.
Kahapon ng hapon, magkakasunod na bumisita siya sa Hongde Village ng Wuzhong City, bahagi ng Yellow River sa Wuzhong City, at Jinhuayuan community sa Jinxing Township, para alamin ang kalagayan ng pagpawi sa karalitaan, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa kahabaan ng Yellow River, at pagpapasulong sa pagkakaisa ng mga nasyonalidad.
Salin: Vera